COMELEC naglaan ng P600,000 na pondo bilang ayuda sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal

Inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc pondo na ipang-aayuda sa mga biktima nang pagsabog ng Taal volcano.

Iyan ang kinumpirma ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, kung saan aabot sa P600,000 ang halaga ng pondo na ibibigay ng kumisyon sa mga apektado ng kalamidad.

Ang naturang halaga ay gagamitin sa pagbili ng relief goods na ipagkakaloob sa mga bakwit sa ibat- ibang evacuation centers.

Prayoridad ng Comelec ay ang mga pangangailangan ng mga kababaihan at mga bata.

Kasama sa relief packs ang sanitary napkins, mga underwear, mga damit ng mga bata at hygiene kits.

Ayon kay Guanzon, kapag nabili na ang relief goods ay ipapamahagi ang mga ito sa mga evacuee sa lalong madaling panahon.

Matatandaang sinuspinde na ng Comelec ang voter’s registration sa mga lugar na naapektuhan ng pag-alburuto ng bulkang Taal.

Magpapatuloy ang voter registration depende sa magiging sitwasyon o kung kailan maibabalik sa normal ang estado sa mga lugar na apektado ng Taal eruption.

Read more...