Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Pagasa sa silangang bahagi ng Luzon.
Sa severe weather bulletin na inilabas ng Pagasa, pinangalanan ang bagyo na Egay.
Huling namataan ang Tropical Depression Egay sa 520 kilometers East ng Virac, Catanduanes.
Ayon sa Pagasa, maaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa loob ng 300-kilometer diameter ng bagyong Egay.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 45 kilometers kada oras malapit sa gitna at kumikilos ito sa bilis na 5 kilometers kada oras sa direksyong North Northwest.
Wala pa namang itinaas na public storm signal ang Pagasa pero pinayuhan nito ang publiko at ang Disaster Risk Reduction and Management Council na gumawa ng kaukulang hakbang at antabayanan ang susunod na Weather Bulletin na ipalalabas ng Pagasa.
Bukas ng umaga, inaasahang nasa 485 kilometers East ng Virac, Catanduanes ang bagyong Egay at sa 650 kilometers East ng Casiguran, Aurora sa Sabado ng umaga./ Len Montaño