Flight attendants ng Cathay Pacific, frontline employees pagsusuotin ng surgical masks vs coronavirus

Pagsusuotin ng Cathay Pacific Airways Limited ang lahat ng kanilang crew members at frontline employees ng surgical masks dahil sa banta ng bagong strain ng coronavirus.

Papayagan din ng airline company na magbago o magkansela ng flights ang kanilang mga pasahero patungo o magmumula sa Wuhan, China kung saan unang kumalat ang virus.

Hanggang sa Marso 31 maaring ipatupad ang rebooking o kanselasyon ng flight at walang babayaran ang pasahero.

Ginawa ng Cathay Pacific ang hakbang bilang tugon sa hiling ng kanilang mga flight attendants na makapagsuot ng masks sa lahat ng kanilang mga biyahe sa ibat-ibang destinasyon lalo’t kumalat na rin ang kaso ng SARS-like Coronavirus sa Estados Unidos, Thailand, South Korea, Japan at Taiwan.

Read more...