Mahihinang pagbuga ng usok naitala sa Taal Volcano sa magdamag; volcanic earthquakes umabot lang sa 6

Kuha ni Jomar Piquero
Muling nakapagtala ng mahihinang pagbuga ng usok sa Taal Volcano sa nakalipas na magdamag.

Sa Taal Volcano Bulletin na inilabas alas 8:00 ng umaga, mahihinang pagbuga ng putting usok ang naitala sa bulkan na ang taas ay umabot sa 50 hanggang 500 meters.

Umabot naman sa 141 tonnes per day ang naitalang sulfur dioxide emission mula sa bulkan.

Ayon sa Phivolcs, simula kahapon ng umaga hanggang alas 5:00 ng umaga kanina (Jan. 23) ay nakapagtala lamang ng anim na volcanic earthquake sa Bulkang Taal na ang magnitude ay nasa pagitan ng 1.5 hanggang 3.4.

Simula naman noong ala 1:00 ng hapon ng January 12 ay nakapagtala na ng 731 na volcanic earthquakes.

Sa kabila ng pagbaba ng aktibidad ng bulkan, ay nakataas pa rin ang Alert Level 4 at ayon sa Phivolcs, possible pa ring magkaroon ng hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras o araw.

Read more...