31 babae nasagip sa isang prostitution den sa Makati

Nasagip ng mga otoridad ang tatlumput’isang babae sa isang prostitution den sa Baranggay Palanan sa lungsod ng Makati, Miyerkules ng gabi.

Sa impormasyon mula kay Makati City Police chief Police Colonel Rogelio Simon, nabatid na nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng tip ang operatiba sa diumano’y iligal na aktibidad sa loob ng bar na matatagpuan sa Filmore Street.

Nadiskubre ng mga pulis na pinagsasayaw ng hubo’t hubad ang mga babae.

Nag-ooperate din ang establisimento nang walang kaukulang business permit habang ang mga empleyado ay nagtatrabaho na paso o expired na ang health permit.

Labinglimang bar employees at 24 na guests na kinabibilangan ng Indonesian nationals ang dinala sa Makati City Central Police Station para sa profiling at interview.

Read more...