12.5 degrees Celsius na temperatura naitala sa Baguio City ngayong umaga

Nakapagtala ng 12.5 degrees Celsius na temperatura sa Baguio City ngayong umaga ng Huwebes (Jan. 23).

Sa datos mula sa Baguio Synoptic Station ng PAGASA, naitala ang naturang temperatura alas 5:00 ng umaga.

Bahagya itong mas mababa kumpara sa 11.4 degrees Celsius na minimum temperature na naitala sa lungsod kahapon.

Sa Metro Manila naman, nakapagtala din ng malamig na 19.9 degrees Celsius kahapon ng alas 6:10 ng umaga sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Read more...