Olympic Qualifying round ng soccer at boxing event na gaganapin dapat sa Wuhan City kinansela na

Kanselado na ang dalawang sports event sa Wuhan City na bahagi dapat ng qualifying round para sa 2020 Tokyo Olympics.

Mula Wuhan City na orihinal na venue ng women’s soccer tournament ay gaganapin na lang ito sa Nanjing.

Ang laban sa pagitan ng soccer team ng China, Australia, Taiwan at Thailand ay magaganap sa Nanjing sa Feb. 3 hanggang 9.

Ang Asia-Oceania Boxing qualifying tournament naman na nakatakda din sa Wuhan sa February 3 hanggang 14 ay kanselado na rin.

Wala pang anunsyo kung saan na gaganapin ang sports event.

Read more...