Water level ng Angat dam nabawasan pa sa nakalipas na magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2020 - 07:06 AM
Patuloy na nababawasan ang water level ng Angat dam.
Sa update mula sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ang antas ng tubig sa Angat dam ay 203.59 meters.
Mas mababa kumpara sa 203.71 meters kahapon.
Nabawasan din ang kaunti ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.79 meters ngayong umaga.
Habang ang Ipo dam naman ay bahagyang nadagdagan at nasa 101.10 meters.
Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao dam at nabawasan naman ang antas ng tubig ng iba pang mga dam sa Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.