Apat patay sa plane crash sa Corona Municipal Airport sa Los Angeles

Patay ang apat na katao makaraang bumagsak ang isang maliit na eroplano sa Corona Municipal Airport sa Los Angeles.

Rumesponde sa plane crash ang mga tauhan ng Corona Fire Department at Corona Police.

Bumagsak sa damuhang bahagi ng paliparan ang eroplano.

Dahil sa insidente, isinara muna ang paliparan.

Nagtake-off ang naturang eroplano pero nagkaroon ito ng problema nang makaangat na.

Ayon kay Federal Aviation Administration representative Ian Gregor, iimbestiahan ng FAA at ng National Transportation Safety Board ang pangyayari.

Read more...