CALAX ilang araw na isasara sa mga motorista sa loob ng tatlong oras

Isasara muna sa mga motorista ang CALAX o ang Cavite – Laguna Expressway simula sa January 28 hanggang January 31.

Gagawin ang pagsasara mula ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon pa ng buong CALAX at pagsasagawa ng clearing operations.

Bubuksan muli ang CALAX sa February 1 hanggang 3, 2020.

Pero sa February 4 hanggang 7 ay muli itong isasara sa loob din ng naturang oras.

Ang CALAX ay nagagamit na ng mga motorista mula sa bahagi ng Mamplasan patungo ng Sta-Rosa – Tagaytay Road.

Sa sandaling makumpleto ang konstruksyon nito ay dire-diretso na ito hanggang Tagaytay.

Read more...