Maglive-in partner arestado dahil sa droga sa Iloilo

Timbog ang mag-live-in partner sa buy-bust operation ng mga otoridad sa isang construction site sa Barangay San Vicente sa Leganes sa Iloilo, Huwebes ng madaling araw ( January 23).

Target umano ng operasyon ang lalaking driver ng truck sa construction company.

Nakumpiska sa bahay ng dalawa ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu na tinayayang nagkakahalaga ng P595,000, lighter at aluminum foil.

Balak umanong ibenta ng mga suspek sa darating na Dinagyang Festival ang mga nakumpiska na droga ayon sa regional drug enforcement team ng Iloilo.

Read more...