Sunog, sumiklab sa residential area sa QC

Tinupok ng apoy ang ilang bahay sa isang residential area sa Quezon City, Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog sa bahagi ng Ilocos Norte Street sa Barangay Ramon Magsaysay.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog pasado 4:00 ng hapon.

Idineklara namang kontrolado ang sunog bandang 4:26 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Inaalam din ng mga otoridad kung magkano ang halaga ng pinsala sa lugar.

Read more...