Ayon sa senador, sinagot na ng United States Embassy ang ipinadalang katanungan hinggil sa kanselasyon ng kaniyang visa.
Wala naman aniyang binigay na petsa kung kailan nakansela ang visa nito.
Sinabi ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na pinayuhan siyang mag-apply muli kung nais kumuha ng panibagong US visa.
Ani Dela Rosa, sasamahan niya si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling magdesisyon na dumalo sa US-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Las Vegas sa darating na March 14.
Ito ay kung ibabalik aniya ang kaniyang visa.
READ NEXT
PCG, nakikipag-ugnayan sa China Coast Guard sa paghahanap sa pitong nawawalang mangingisda sa Pangasinan
MOST READ
LATEST STORIES