Sa mahigit 20-pahinang resolusyon ng SC, ibinasura ng Supreme Court en banc ang hirit ni De Lima na mapanagot ang pangulo sa kabila ng tinatawag na immunity from suit bilang president ng bansa.
Ang reklamo ng senadora laban sa pangulo ay dahil sa umano´y verbal attacks nito laban sa kanya nang isapubliko ang ilang mga impormasyon patungkol sa kanyang personal na buhay at umano´y private affairs o relasyon nito.
Sa petisyon ni De Lima, inireklamo nito ang ilang personal na pag-atake sa kanya ng pangulo at ng mga kaalyado nito na hindi na anya saklaw ng kanyang mandato bilang presidente.
Paliwang ng SC, hindi maaring kasuhan sa ngayon si Pangulong Duterte na isang incumbent President dahil saklaw ito ng tinatawag na immunity from suit.