Welcome para sa Malakanyang ang panibagong survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan nakakuha ng 72 percent na net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa ikaapat na quarter ng taong 2019.
Ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar, patuloy kasi na pinagsusumikapan ng administrasyon na magkaroon ng reporma at programa na kapaki pakinabang sa sambayanang Filipino.
Ayon kay Andanar, maaring tumaas ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte dahil sa matibay na paninidigan at hindi pakikipag-kompromiso sa tagilid na kontrata ng pamahalaan sa Maynilad at Manila Water, kampanya kontra sa illegal na droga , at mga programang may kinalaman sa pagtugon sa kahirapan.
Sinabi pa ni Andanar ang survey ay salamin ng pagsuporta ng taong bayan kay Pangulong Duterte.
Higit sa lahat sinabi ni Andanar na nararamdaman na ng taong bayan na tunay na pagbabago sa lipunan na noon pa man ay naging legasiya na ni Pangulong Duterte.
Tinutupad din aniya kasi ng pangulo ang kanyang pangako sa taong bayan na bigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat isa.