Chinese drug fugitive arestado sa Maynila

Arestado ang isang Chinese fugitive na may kinakaharap na kasong pagbebenta at pakikipagkalakalan ng ilegal na droga sa kaniyang bansa.

Kinilala ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD SMaRT) ang naturang suspek na si Wang Janquiang, 40, na iprinisinta kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ayon kay Moreno walang puwang sa Manila ang katulad ni Wang.

Aniya, Pilipino man o banyaga basta’t tumakas sa batas ay hindi dapat pamarisan.

Dinakip si Wang ng mga tauhan ng MPD SMaRT sa pangunguna ni Police Major Rosalino Ibay Jr. at Police Major Cicero Pura noong Biyernes, ika-17 ng Enero, sa isang operasyon sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Major Ibay, ang naturang suspek ay lider ng isang sindikato sa Quanzhou City, China.

May kasabwat aniyang babae ang suspek sa ilegal na kalakalan ng droga sa Pilipinas na kasalukuyang pinaghahanap na ng mga otoridad.

Read more...