Ayon sa ulat mula sa Public Health Preparedness and Response Unit ng DOH-Bicol, mula sa 3,550 na kaso ng dengue noong 2018 ay umabot sa 11,092 ang kaso noong 2019.
Umabot sa 87 ang naitalang nasawi noong nakaraang taon kumpara sa 29 lamang noong 2018.
Ayon sa datos karamihan sa kaso ay naitala sa Camarines Sur (4,651), Sorsogon (2,183), Albay (1,577) at Catanduanes (1,041).
May naitala ring mga kaso ng dengue sa Camarines Norte at sa Masbate.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na ipatupad ang 4S Strategy para maiwasan ang pagdami ng lamok na may dalang dengue.
Kabilang dito ang search and destroy, self-protection measures, seeking early consultation, at supporting fogging and spraying sa hotspot places.