Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing III, kapag hinayaan ni Natanauan na makauwi ang mga residente sa kabila ng umiiral na lockdown ay kikilos ang ahensya at sasampahan siya ng kaso.
Ito ay makaraang umapela mismo si Natanauan kay Pangulong Rodrigo Duterte para baguhin ang opinyon na inilalabas ng Phivolcs kaugnay sa aktbidad ng Bulkang Taal.
Ang Talisay City ay nasa loob ng 14-kilometer danger zone.
Dahil dito, wala na dapat residente na nakapapasok sa nasabing lungsod.