2.9 milyon na sasakyan ipare-recall ng Toyota dahil sa problema sa air bags

Aabot sa 2.9 milyon na sasakyan ang babawiin sa merkado ng Toyota sa Estados Unidos dahil sa problema sa air bags.

Ayon sa Toyota, maaring hindi mag-inflate ang air bags kapag nagkaroon ng aksidente.

Kabilang sa masasakop ng recall ang ilang 2011 hanggang 2019 model ng Corollas, 2011 hanggang 2013 model ng Matrix, 2012 hanggang 2018 model ng Avalon at 2013 hanggang 2018 Avalon Hybrid.

Ayon sa pahayag ng Toyota maaring ang problema ay sa air bag control computer.

At dahil sa problema, posibleng bigo na mag-inflate ang air bag kapag nagkaroon ng aksidente.

Ayon sa Toyota ang mga may-ari ng apektadong sasakyan ay makatatanggap ng notification sa kalagitnaan ng buwan ng Marso sa gagawing recall.

Read more...