Rekomendasyon ng WHO kaugnay sa bagong strain ng coronavirus inaantabayanan ng DOH

Nakahanda ang pamahalaan na tumugon sakaling magpatupad ng travel restrictions ang World Health Organization (WHO) sa mga lugar na apektado ng SARS-like virus.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sa ngayon nakaantabay sila sa magiging rekomendasyon ng WHO.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Duque na sandaling magdeklara ng outbreak ang WHO ay maglalabas naman ito ng mga alituntunin na susundin ng mga bansang apektado.

Sakali namang magkaroon ng travel restrictions lalo na sa China, sinabi ni Duque na handa ang bansa na ipatupad ito.

Ayon pa kay Duque, kung maglalabas ng outbreak ang WHO, ay maaring ang China na rin mismo ang magpatupad ng restrictions at ipagbawal na ang paglabas ng kanilang mga mamamayan lalo na ang mga nasa Wuhan City na pinagmulan ng sakit.

Kabilang sa may pinakamaraming bilang ng mga dayuhan dito sa bansa ay pawang Chiense nationals.

Read more...