Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, mahihina ang usok at malaki ang ibinaba ng lumalabas na sulfur dioxide mula sa bunganga ng taal.
Pero ang ilalim ng bulkan ay patuloy aniya sa pag-resupply ng magma.
Ibig sabihin sinabi ni Solidum na nagre-recharge lamang ang bulkan at maari talaga itong magkaroon ng malakas na pagsabog anumang oras o araw.
Ito aniya ang dahilan kaya patuloy ang paalala nila sa mga residente na makinig sa mga babala at sumunod sa ipinatutupad na lockdown.
Paliwanag ni Solidum, kapakanan lamang ng mga residente ang tinitignan ng Phivolcs dahil labis na delikado kung biglang puputok muli ng malakas ang bulkan.