Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 06:58 AM

Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules (Jan. 22) ay nasa 203.71 meters ang water level ng dam.

Mas bumaba pa kumpara sa 203.76 meters na water level nito kahapon.

Ang Ipo dam naman ay bahagyang nabawasan na nasa 101.09 meters habang walang pagbabago sa water level ng La Mesa dam na nasa 77.80 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao at Binga dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

TAGS: Angat Dam, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.