Dalawang witness sa ‘GCTA for Sale,’ pinalaya na ng Senado

Pinalaya na ng Senado ang dalawang witness sa umano’y ‘Good Conduct Time Allowance o GCTA for sale’ sa New Bilibid Prisons, Martes ng umaga.

Sa inilabas na kautusan, ipinag-utos ni Senate Blue Ribbon committee chair Richard Gordon na palayain sina Godfrey Gamboa at Yolanda Camilon matapos tumestigo sa mga isinagawang pagdinig.

Ayon sa senador, ito ay dahil nakapag-testify na ang dalawa at nakapaglabas na ng GCTA report.

Matatandaang isiniwalat ni Camilon na nagbayad siya ng P50,000 sa ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) kapalit ng pagkakalaya ng kaniyang mister.

Read more...