Makilala, Cotabato niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Makilala, Cotabato Martes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometers Southwest ng nasabing bayan bandang 10:22 ng gabi.

1 kilometer ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naramdaman ang intensity 1 sa Kidapawan City.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...