Net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, umabot sa +72 – SWS

SWS photo

Kuntento ang 82 porysento ng mga Filipino sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng survey, 82 porsyento ang nagsabing kuntento sa trabaho ng pangulo, 10 porsyento ang dissatisfied habang walong porsyento ang undecided.

Dahil dito, umabot sa +72 o “excellent” ang net satisfaction rating ng Punong Ehekutibo.

Mas mataas ito ng pitong puntos mula sa +65 o “very good” classification noong September 2019.

Ito na ang bagong personal record ng pangulo matapos mahigitan ang +68 record noong June 2019.

SWS photo

Samantala, 52 porsyento naman sa mga Filipino ang umaasang matutupad ang mga pangako ni Pangulong Duterte.

Tinanong ang 1,200 Filipino adults ng, “Sa inyong palagay, ilan sa mga pangako ni Pang. Rody Duterte ang posibleng matutupad?”

Isinagawa ang survey ang Fourth Quarter 2019 survey sa 1,200 Filipino adults sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula December 13 hanggang 16, 2019.

Ginamit sa survey ang sampling error margins ng ±3% para sa national percentages habang ±6% naman sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Read more...