Inalerto na ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang iba’t ibang airline company ukol sa pagpapatupad ng safety procedures sa mga paliparan.
Sa isinagawang press conference sa Department of Health (DOH), sinabi ni Ferdinand Salcedo. pinuno ng BOQ, na makikipagpulong sila kasama ang mga airline company.
Paaalalahanan aniya ang mga airline company na maghanda ng universal protective kit para sa mga pasahero.
Ayon kay Salcedo, sinumang pasahero na makaranas ng simtomas, dapat agad itong i-report sa BOQ pagkadating ng paliparan.
Kinumpirma ng DOH na nagsasagawa sila ng imbestigasyon sa limang taong gulang na bata na posibleng nagtataglay ng Corona Virus-like symptoms sa Cebu.
READ NEXT
Pangulong Duterte, pumayag na ituloy pa rin ang implementasyon ng motorcycle taxi pilot run – Sen. Go
MOST READ
LATEST STORIES