Amihan, umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Patuloy pa ring nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na magdudulot ito ng maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan sa ilang probinsya sa Luzon.

Kabilang dito ang Cordillera, Cagayan Valley, Aurora at Quezon.

Asahan din aniya ang mga pagbugso ng hangin sa mga baybayin at matataas na lugar bunsod pa rin ng Amihan.

Samantala, magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing parte ng Luzon kabilang ang Metro Manila.

Wala pa rin aniyang inaasahang mabubuo o papasok na bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...