Sa pahayag kasi ng Ayala Land Incorporated, nasa P171 per square meter ang kanilang upa sa UP kada buwan at hindi P22 gaya ng akusasyon ng isang pro-administration blogger.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kahit ipagpalagay pa sa P171, mas mababa pa rin ito kumpara sa karaniwang presyo na nasa P500 ang upa kada square meter.
“Kung ang statement nila less than P10.4 billion plus 25 years and only 16 commercial buildings eh talagang lugi. ‘Yun ang klaro,” ayon kay Panelo.
16 na gusali aniya ang nakatayo sa UP Technohub at malaki ang kanilang kita.
Dahil dito, sinabi ni Panelo na irerekomenda niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang kontrata ng Ayala sa UP.
“Irerekomenda ko sa Presidente na imbestigahan yung alegasyon kung totoong lugi ang gobyerno,” dagdag ni Panelo.