Ilang artista, naglabas ng kanya-kanyang reaksyon sa paghihiwalay ng JaDine

Bumuhos ang kanya-kaniyang reaksyon ng ilang artista ukol sa paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre o JaDine.

Kasunod nito, maraming lumalabas na ispekulasyon na naging dahilan ng breakup ng dalawa.

Sa Twitter, inihayag ni DJ Chacha na dapat munang hayaan ng netizen ang paghihiwalay ng dalawa dahil ito aniya ay “difficult moment” para kina James at Nadine.

Ayon naman sa TV host na si Bianca Gonzales, “ruthless” ang social media dahil sa mga ispekulasyon kung ano ang rason sa paghihiwalay ng dalawa.

Samantala, sa Instagram, inihayag naman ng TV host na si Robi Domingo ang suporta kina James at Nadine sa pamamagitan ng pag-post ng video kung saan tinugtog nito sa piano ang kantang “On the Wings of Love.”

“On the Wings of Love” ang titulo ng isang romantic comedy TV series na pinagbidahan nina James at Nadine noong 2015.

Nakalagay pa sa caption ng video na, “OTWOLista forever.”

Sa isang television interview sa ABS-CBN, kinumpirma ng JaDine ang kanilang breakup noong Lunes ng gabi.

Read more...