Magbabawas na rin ng singkwenta sentimos ang minimum fare ng mga pampasaherong jeep sa Western Visayas.
Ito’y makaraang aprubahan ng LTFRB ang P0.50 provisional rollback sa mga jeepney sa naturang rehiyon kahapon batay sa rekomendasyon ng ni LTFRB Western Visayas director Romulo Bernardes.
Dahil sa rollback na magiging epektibo sa February 1, magiging P6.50 na lamang ang minimum fare sa jeep para sa mga regular na pasahero samantalang P5.00 na lamang ang mga estudyante.
Gayunman, paliwanag ng LTFRB, sakaling muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo may opsyon ang ahensya na muling ibalik sa dating minimum fare ang pamasahe sa naturang lugar.
Matatandaang makailang ulit nang bumaba ang presyo ng mgaproduktong petrolyo nitong mga nakalipas na linggo.
Dahil sa sunud-sunod na rollback, naglalaro na lamang sa 18-20 pesos ang presyo kada litro ng diesel na ginagamit ng mga pampublikong jeepney.