Unang umalma ang mga residente ng naturang lugar makaraang madiskubreng ang mga ipinamigay sa kanilang mga gamot, noodles at dental hygiene kit ay pawang mga expired na.
Sa report ng Inquirer Northern Luzon, ang ilang mga gamot na para sana sa sipon at ubo at noong 2012 pa na-expire samantalang ang mga toothpaste ay may 2008 expiration date.
Ang instant noodles naman na naipamahagi ay na-expire na noong December 2015.
Ayon kay Dr. Christopher Guerrero, director ng Global Medical Foundation na nakabase sa California USA, kanilang ikinagulat nang malamang expired na ang kanilang mga gamot na dinala at ipinamigay sa tatlong araw na medical mission sa mga bayan ng Dupax del Sur at Bambang at Bayombong.
Gayunman, agad na nila aniyang naitama ang pagkakamali at napalitan na ang mga expired na gamot.
Paliwanag pa ni Guerrero, hindi naman nakasasama sa kalusugan ang mga expired na toothpaste at iba pang naipamahaging goods bagaman nawawala lamang ang bisa nito.