Sen. Leila De Lima, humirit sa Supreme Court na magtalaga ng bagong hukom na hahawak sa kanyang kaso sa Muntinlupa RTC

Dumulog muli sa Korte Suprema ang nakapiit na si Sen. Leila De Lima.

Sa dalawang pahinang liham ng Senadora kay Supreme Court Administrator Atty. Jose Midas Marquez, humirit ang mambabatas na magtalaga ng bagong hukom na hahawak sa kanyang nakabinbing kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Ayon sa Senadora, batay kasi sa Circular ng Office of the Court Administrator na may petsang November 11, 2919, na-relieved na sa puwesto si Judge Gener Gito bilang acting presiding Judge ng Muntinlupa RTC branch 256 at pansamantalang pinalitan ni Judge Antonietta Medina ng Muntinlupa RTC Muntinlupa Br. 276 bilang Pairing Judge.

Pero dahil si Judge Medina ay dalawang beses nang nag-inhibit sa isa sa kanyang kaso, sinasabing hindi narin ito magsasagawa ng anomang hearing sa kinakaharap niyang criminal case.

Dahil dito, nais ni De Lima na magtalaga na lamang ng bagong huwes ang SC para mapabilis ang pagdinig sa kanyang kaso na may kaugnayan sa umano’y illegal drug trade sa Bilibid.

branch 256.

Read more...