PCG Task Force Taal nagsagawa ng aerial inspection sa Taal lake

Grab from PCG FB Video

Nagsagawa ng aerial inspection ang Philippine Coast Guard sa Taal lake Martes ng umaga ng January 21, 2020.

Kasama sa naturang inspeksiyon ng PCG Task Force Taal ang mismong pinuno nito na si Commodore Artemio Abu.

Sakay ng Philippine Air Force (PAF) helicopter si Abu at mga kasapi ng PCG task force Taal para personal na alamin ang sitwasyon sa lawa habang umiiral pa rin ang ‘Alert Level 4’ at phreatic eruption ng bulkan.

Sumama rin sa naturang aktibidad ang mga kinatawan mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Kitang-kita sa video na inapload ng PCG sa kanilang facebook page ang malawak na pinsala na idinulot ng pagputok ng bulkang Taal.

Read more...