Cancelled flights: Jan. 21, 2020

MIAA photo

Ilang flights ang kanselado ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Cebu Pacfic na 5J 504 / 505 Manila-Tuguegarao-Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon sa bahagi ng Tuguegarao.

Una nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa Cagayan Valley dahil sa Amihan.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

Read more...