4 na milyon na bagong botante inaasahan ng Comelec sa 2022 election

Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na papalo sa mahigit 4 na milyon ang mga bagong botante na magpaparehistro para sa 2022 election.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, tatagal kasi ng 20 buwan o hanggang sa September 30, 2021 ang voters registration.

Nangangahulugan ito na may mas mahabang panahon ang mamamayan para makapag-parehistro upang makaboto sa susunod na halalan.

Samantala, kaugnay ng pagbubukas ng unang araw ng voters registration noong Lunes ng January 20, sinabi ni Jimenez na wala pa naman silang natatanggap na problema.

Wala din anyang mga ulat ng kaguluhan sa pagdaraos ng voters registration sa iba’t ibang panig ng bansa.

Hindi din nagkaroon ng problema sa mga forms ang mga sangay ng Comelec dahil dalawang linggo bago nila binuksan

muli ang registration ay arami na silang naimprenta para sa inaasahang pagdagsa ng mga magpaparehistro.

Kabilang naman sa mga sangay ng Comelec na dinagsa sa unang araw ay ang Comelec Manila at Pasay.

Read more...