1 patay, 5 arestado sa buy-bust sa Bicol

Isa ang nasawi habang arestado ang limang iba pa sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bicol Region.

Ayon kay Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol Police, nasawi matapos manlaban sa mga otoridad ang suspek na si Rodolfo Somalinog sa ikinasang operasyon sa Bulan, Sorsogon.

Si Somalinog ay kasama sa top 10 ng mga binabantayang drug personalities sa rehiyon.

Sa Camarines Sur, naaresto naman ang mga suspek na sina Miguel Alejandro, Ceasar Castañeda, at Greco Daclan sa buy-bust oepration sa Barangay Mabolo sa Naga City.

Nailigtas naman ang isang 17 anyos na binatilyo sa naturang oeprasyon.

Sa San Pascual, Masbate naman, nadakip si Francis Matandag na nahulihan ng apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Read more...