Bilang ng mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal mahigit 271,000

Umabot na sa mahigit 271,000 na katao ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, katumbas ito ng mahigit 68,00 na pamilyang apektado.

Sa nasabing bilang, aabot sa mahigit 38,00 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation center o mahigit 148,000 na katao.

Ayon sa NDRRMC, umabot na sa P18.4 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nasalantang pamilya.

Ayon naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH) lahat ng kalsada sa CALABRZON na naapektuhan ng pagputok ng bulkan ay passable na lahat.

Pero may mga kalsadang sarado sa ilang bayan sa Batangas dahil sa umiiral na lockdown.

 

Read more...