Nalikom na donasyon mula sa mga tauhan ng NCRPO umabot sa P3M

Umabot sa P3 milyon ang halaga ng donasyon na nalikom mula sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director P/Brig. Gen. Debold Sinas, ang nasabing halaga ay nilikom mula sa mga tauhan ng NCRPO para ibigay sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Kani-kaniyang bigay ng pera ang mga NCRPO personnel hanggang sa umabot sa P3 milyon ang perang naipon.

Ang perang nalikom ay iprinisinta ni Sinas sa isinagawang press briefing sa Kamuning Police Station sa Quezon City.

Ayon kay Sinas, agad itong dadalhin sa Batangas para sa mga biktima ng pagputok ng bulkan.

Read more...