General Luna, Surigao Del Norte niyanig ng M3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng General Luna sa Surigao Del Norte.

Naitala ang pagyanig sa layong 13 kilometers southeast ng General Luna alas 9:07 ng umaga ng Martes, Jan. 21.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 9 kilometers.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

Read more...