Red Cross nangangailangan ng volunteers para sa pag-repack ng relief goods

Nangangailangan ng volunteers ang Philippine Red Cross (PRC) para sa pagre-repack ng relief goods para sa mga bitkima ng Bulkang Taal.

Ayon sa Red Cross, kailangan nila ng volunteers mula ngayong araw, Jan. 21 hanggang sa Jan. 26 sa PRC Logistics and Multi-Purpose Center (PLMC) sa Pinatubo Street kanto ng Apo Street, Mandaluyong City.

Ang shift ay alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali, ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon at alas 4:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi.

Pinapayuhan ang mga nais maging volunteer na magsuot ng pulang t-shirt at magdala ng sariling tumbler.

Maaring tumawag o mag-text sa 09266193226 kung interesado.

 

Read more...