Nasawi sa SARS-like virus sa Wuhan City, China umakyat na sa apat

Umabot na sa apat ang nasawi sa SARS-like virus na kumalat sa Wuhan City sa China.

Ayon sa mga health authorities, isa pa sa mga tinamaan ng sakit ang nasawi sa Wuhan.

Sa Shanghai, dalawa na ang kumpirmadong tinamaan ng sakit, habang umabot na sa lima ang tinamaan sa Beijing.

Kinumpirma din ng mga otoridad, na mayroong labinglimang medical workers ang tinamaan na ng sakit sa Wuhan.

 

Read more...