P4M na talent fees sa dalawang kumpanya ibibigay ni Mayor Isko Moreno sa mga nasalanta sa pagputok ng Bulkang Taal

Ipagkakaloob ni Manila Mayor Isko Moreno sa lalawigan ng Batangas ang natanggap niyang talent fees mula sa dalawang kumpanya.

Kabilang dito ang P2 milyon mula sa Novuhair at P2 milyon din mula sa KJA Summit Food Corp.

Ang naturang halaga ng talent fees ng alkalde ay ididiretso sa Provincial Government ng Batangas.

Ito ay para magamit na pangtulong sa mga inilikas na residente dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Read more...