Cardinal Tagle nagpaalam na sa kaniyang mga kababayan sa Cavite

CBCP photo

Nagpaalam na sa kaniyang mga kababayan sa Cavite si Manila Archbishop Cardinal Luis Antnio Tagle.

Isang misa ang idinaos sa Our Lady of Pilar Church sa Cavite na dinaluhan ni Tagle.

Sa kaniyang homily, sinabi ni Tagle na magiging Overseas Filipino Worker (OFW) na siya sa sandaling magsimula ang bago niyang gagampanang tungkulin sa Rome bilang Pefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples simula sa susunod na buwan.

Ayon kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista, sa sandaling magsimula na si Tagle sa bago niyang tungkulin ay magtatalaga ng bagong Manila Archbishop ang Santo Papa.

Bago umalis patungong Rome, dadalo pa si Tagle sa plenary assembly ng mga obispo sa Maynila sa January 25 hanggang 27.

Dadaluhan pa din niya ang 7th Philippine Conference on New Evangelization sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City sa Jan. 28 at 29.

Read more...