Mandatory evacuation sa walong barangay sa Tagaytay City umiiral pa rin – DILG

Nananatili ang pagpapatupad ng mandatory evacuation sa walong barangay sa Tagaytay City.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) sakop ng mandatory evacuation order ang Bagong Tubig, Kaybagal South (Poblacion), Maharlika West, Sambong, San Jose, Silang Junction South, Maharlika East, at Tolentino East.

Ang nasabing mga barangay ay kabilang sa maituturing na lantad sa banta ng Volcanic Tsunami, at Base Surge ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

Inilabas ng DILG ang paglilinaw matapos ang mga kalituhan na ang utos na mandatory evacuation ay sa buong Tagaytay.

Sa ibang bahagi aniya ng Tagaytay ay maari namang magpatuloy ang pagnenegosyo at normal na pamumuhay ng mga residente.

 

Read more...