Water level ng Angat dam patuloy na nababawasan

Patuloy na nababawasan ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, ang water level ng Angat ngayong alas 6:00 ng umaga ay 203.76 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 101.10 meters at La mesa dam na nasa 77.80 meters.

Nadagdagan din ang water level sa Ambuklao at Binga dams.

Habang nabawasan naman ang water level sa San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Read more...