Malaking bahagi ng bansa apektado ng Amihan

Northeast monsoon o Amihan ang nakakaapekto sa halos malaking bahagi ng ating bansa ngayong araw (January 21).

Base sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mga mahihinang pag-ulan sa bahagi ng Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon at Bicol region.

Maaliwalas na panahon na may posibilidad na mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms naman ang patuloy na mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Patuloy naman na makararanas ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan sa Eastern Visayas dulot pa rin ng Amihan.

Ang nalalabing bahagi ng Visayas region, Puerto Princesa at ang Mindanao region ay makararanas ng maaliwalas na panahon na may may posibilidad na mga pulo-pulong pag-ulan.

Wala namang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw naman ay walang inaasahang sama ng panahon o LPA na posibleng makaapekto sa ating PAR.

Read more...