3 drug suspect arestado sa buy-bust sa QC, P34,000 halaga ng shabu nakumpiska

File Photo

Timbog ang 3 lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD)-Anonas Police Station sa Pook Arboretum, Barangay UP Campus, Martes ng madaling araw (January 21).

Nakilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Eddie Boy, 27 anyos, at alyas Richard, 44 anyos at ang 32 anyos na tricycle driver na si alyas Lloyd Adam na naninirahan sa lugar.

Ayon kay Police Cpl. John Cyrel Guntan ng QCPD Station 9, nang magkapalitan na ng pera at droga sa operasyon agad na nilusob ng mga operatiba ang loob ng bahay ng target ng operasyon kung saan naabutan ang 2 parokyano.

Nakumpiska mula sa mga naarestong suspek ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P34,000.

Inamin naman alyas Lloyd Adam na nagbebenta siya ng droga para pantustos sa mga pangangailangan sa bahay habang inamin naman nina alyas Eddie Boy at Richard na bumibili sila ng droga kay alyas Lloyd Adam na gumagamit sila ng droga pero itinangging bumibili ng sila ay maaresto.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...