Umiiral pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa buong bahagi ng bansa.
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na mayroong mga kaulapan sa Northern Luzon at Eastern section ng bansa.
Bunsod nito, makararanas ng maulap na kalangitan at posible ang mahihinang pag-ulan sa bahagi ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Apayao, Mountain province, Kalinga at Ifugao.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Central Luzon at Ilocos Region, magiging maaliwalas ang panahon.
Ngunit posible pa rin aniya ang mga panandalian at mahihinang pag-ulan.
Dagdag pa si Clauren, wala pa ring inaasahang papasok o mabubuong bagyo o weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.