Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na madaliin ang pagpasa sa P30 bilyong na funding sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Mayroon kasi aniyang pending na resolusyon sa Kongreso para maglaan ng P30 bilyong pondo para sa mga biktima ng Bulkang Taal.
Pero ayon sa pangulo, gusto niya itong gawing P50 bilyon para maisama na ang pagpapagawa ng mga evacuation center sa Isabela, Samar at iba pang lugar na nakaharap sa Pacific Ocean.
Ikinababahala kasi ng pangulo ang mga bakwit tuwing may bagyo
Pangako ng pangulo, darating sa mga biktima ng Bulkang Taal ang ayuda ng pamahalaan hanggang sa huling sentimo.
Sakaling kulangin ang pndo ng pamahalaan, hihiling ang pangulo sa national treasureer na maglabas ng pondo.
Paliwanag ng pangulo, ang pondo kasi ngayong 2020 ay naihanda na noong nakaraang taon pa at hindi pa kasama doon ang para sa mga biktima ng Bulkang Taal.