PNP chief Gamboa, nanumpa na kay Pangulong Duterte

Kuha ni Chona Yu

Nanumpa na si Philippine National Police (PNP) chief Archie Francisco Gamboa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga bakwit sa Sto. Tomas, Batangas.

Mismong sa harap ni Pangulong Duterte at mga bakwit ng pagsabog ng Bulkang Taal nanumpa si Gen. Gamboa sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) gymnasium.

Pagkatapos ng oath taking, isinagawa ang donning of rank matapos itaas sa four-star rank si Gamboa.

Itinalaga ng pangulo si Gamboa matapos maabot ni dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang mandatory retirement.

Nasa Sto. Tomas, Batangas ang pangulo, Lunes ng hapon, para mamigay ng relief goods sa mga bakwit ng pag-alburito ng Bulkang Taal.

Read more...